Huwebes, Hunyo 2, 2011

Nasaan na ba ang sining ngayon

Nasaan na nga ba ang sining ngayon?Ano ba ang kahalagahan ng Art sa ating bayan at bilang mamamayan ng isang bansa. Kung ating sasaliksikin ang mga katanungan na ito ay maaaring abutin ng ilang taon para lang maunawaan ang mga bagay na ito at mabigyan siya ng konkretong definition para lang siya maunawaan. Ang sabi ng iba dito nasasalamin ang kasaysayan ng isang bansa, ng isang kultura at ng mga pangyayaring bumabalot sa ating pagkatao. Likas sa ating mga tao na magkaroon ng konsepto kung ano ang maganda at kung ano ang pangit, at dito nagmumula ang Art. Ngayon ating balikan ang tanong ko, nasaan na nga ba ang art ngayon?Sa totoo lang nasa paligid natin siya araw-araw hindi lang natin ito pinapansin, pero ang pagpapahalaga sa art ang nawawala na sa ating mga Pilipino...kaya ko nasambit ito dahil hindi na siya nabibigyan ng pansin dahil sa estado ng ating ekonomiya kaya mayayamang bansa lang ang nakakapagbigay ng tulong at pansin sa kanilang mga alagad ng sining.Pero dapat ba itong maging dahilan para ipag-isang tabi ang pagbibigay ng halaga dito? Kung nasasabi natin na ang sining ang kaluluwa ng ating bansa...eh di nangangahulugang tayo pala eh matagal ng bangkay...wag sana nating hayaan na mawala ito...may pag-asa pa.Salamat sa mga pribadong institusyon na patuloy na inilalaban ang sining at kultura sa ating bayan para lang mapanatili ang awareness ng bawat Pilipino...sana pati ang gobyerno natin ay magkaroon ng partisipasyon sa aspetong ito.